PNP ilulunsad ang ‘Text Bato’ hotline | Bandera

PNP ilulunsad ang ‘Text Bato’ hotline

- July 18, 2016 - 04:20 PM

bato

NAKATAKDANG ilunsad ng Philippine National Police (PNP) ang “Text Bato” hotline kung saan direktang makakapagsumbong ang publiko kay police chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa.
Sinabi ni Police Community Relations Group director Senior Supt. Gilbert Cruz na binigyan sila ni Dela Rosa ng 45 araw para maipatupad ang hotline.
“This will be a system kung saan pwedeng mag-report ang mga kababayan using even the most ordinary cellphone na hawak nila,” sabi ni Cruz.
Tatawagin din ang smartphone app ng “Itaga mo sa Bato,” na hango sa pangalan ni Dela Rosa.
Idinagdag ni Cruz na maaaring magamit ang app para ireport ng publiko ang mga drug user at pusher sa kanilang lugar.
“Magiging mabilis at centralized ang reporting na yan. Ang kagandahan pa niyan, maging yung office ng PNP chief, magkakaroon siya ng viewing at monitoring. Sa opisina niya mismo, makikita niya na inaaksiyunan ang mga reklamo na pumapasok dyan sa ‘Text Bato,’” dagdag ni Cruz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending