Isang dating beauty queen na ngayon ay kongresista na ang pabor na gawin sa bansa ang Miss Universe.
Naniniwala si Leyte Rep. Yedda Marie Kittilstvedt-Romualdez, Binibing Pilipinas International noong 1996, na makatutulong sa promosyon ng turismo sa bansa ang pagdaraos dito ng Miss Universe.
“If we will be able to host the next Miss Universe pageant in the country, this will make the Philippines a venue for more big international events that would surely boost the tourism industry and attract additional investments,” ani Romualdez.
Pabor si Pangulong Duterte na idaos sa bansa ang susunod na Miss Universe. Umuwi sa bansa si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach upang makipag-usap kay Duterte kaugnay nito.
“Surely, we will elevate the country’s national pride with this (possible holding of the event) opportunity. We welcome this and thanking President Duterte for his support,” dagdag pa ng lady solon. “By hosting the event, we already won the competition because it signifies that we live in a prosperous, peaceful and orderly nation.”
Sa panayam kay Tourism Sec. Wanda Teo sinabi nito na ‘approved in principle’ na ang pagdaraos ng Miss Universe sa bansa. Kung matutuloy gagawin umano ang iba’t ibang segment ng patimpalak sa mga lugar gaya ng Palawan, Boracay at Cebu.
Huling idinaos sa bansa ang Miss Universe noong 1994.
MOST READ
LATEST STORIES