Pacquiao absenero sa Kamara

manny pacquiao
Isa lang sa 52 sesyon ng Kamara de Representantes noong Third Regular Session ng 16th Congress (Hulyo 27, 2015 hanggang Hunyo 6, 2016) ang dinaluhan ni dating Sarangani Rep. Manny Pacquiao, ngayon ay senador.
     Ayon sa rekord ng Kamara de Representantes, si Pacquiao ang may pinakamaraming absent maliban sa mga kongresista na hindi maaaring dumalo sa sesyon gaya ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo na naka-hospital arrest dahil sa kinakaharap na plunder case.
     Anim na beses namang nagpa-alam si Pacquiao na siya ay hindi dadalo sa sesyon.
     Tinalo rin ni Pacquiao si dating Negros Occidental Rep. Jules Ledesma na dumalo ng tatlong beses sa plenary session.
     Tatlong beses lang din pumasok sa sesyon si Davao del Sur Rep. Franklin Bautista.
     Maituturing naman na hindi na bago ang pagiging absenero ni Pacquiao dahil nakapagtala rin siya ng mababang bilang ng pagpasok sa First at Second Regular Session.
     Sa First Regular Session (mula Hulyo 22, 2013 hanggang Hunyo 11, 2014) na mayroong 69 session days si Pacquiao ay walong beses lamang siya aktuwal na pumasok sa plenaryo.
     Sa Second Regular Session (mula Hulyo 28, 2014 hanggang Hunyo 10, 2015) na may 71 session days, si Pacquiao ay tatlong beses na dumalo.
     Hanggang noong Disyembre 2015, si Pacquiao ang pinakamayang kongresista. Siya ay mayroong P3.268 milyong networth.
      Ang yaman ni Pacquiao ay nagmula sa kanyang pagbo-boksing, na isa sa mga dahilan kung bakit siya lumiliban.
30

Read more...