NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga empleyado ng gobyerno na naglalakwatsa sa oras ng trabaho.
“…Lahat ‘yang mga government, after lunch break, wala na ‘yan. Pasyal pasyal na ‘yan sa mall. Well, kahapon ‘yon, panahon ni Magellan. Wala na ‘yun. Panahon ng Juan dela Cruz ngayonn” babala ni Duterte sa kanyang talumpati sa fellowship dinner ng San Beda College of Law alumni ng batch 1971 at 1972.
Idinagdag ni Duterte na matatanggal sa serbisyo ang sinumang mapapatunayang namamasyal sa oras ng trabaho.
“I would tell the public, ipalagay ko doon sa… that I will go for your dismissal from government. You must be there,” dagdag ni Duterte kaugnay ng babala sa mga opisyal at empleyado na laging wala sa kanilang opisina.
Idinagdag ni Duterte na maaaring magsumbong ang publiko sa itinayong hotline na 888.
“I have established an 888. Pag nagreklamo ‘yan, ipatawag kita sa Malacañan mismo. Doon kita sipain. Maniwala ka. Marami na akong sinisipa. Sumisipa nga ako ng pulis eh. Gawain mo ‘yan,” sabi pa ni Duterte.