FB fanpage inupakan matapos i-post ang kita ng AlDub movie

maine mendoza at alden richards

BASAG ang Facebook fan page admin nang ipangalandakan nitong kumita ng P21 million ang movie nina Alden Richards at Maine Mendoza. Kasi naman, ang tumapat daw sa movie ay giba. Kaya super react ang netizens.

“Ang katapat giba daw. Admin sabog ka ba. Minsan lang nga mag produce ng movie ang gma phlegm magmayabang pa. Hahaha tapos may tatlo pang co producers. Haha peru star cinema isa lang buwan buwan pa. 21M! hahaha. Record breaking baya? Hahaha!

“Bakit d mo ipost yung concert ni alden. Concert ng bae Alden dinumog ng langaw kaya na postponed ng tatlong beses. Hahaha yan ang maganda admin,” say ng isang fan. “Bakit parang may magic na nagaganap sabi ng GMA 12 million ang first day tapos ngayon biglang naging 29M na! Sunod nyan baka 50 million na! Magic pa more,” paniwala naman ng isa pang guy.

“Lol opening lang yan asan na target nilang lampasan ang A Second Chance? Nganga??? Jhaahaaa. Pero nakakatuwa, sa wakas makalipas ang ilang dekada kumita naman ang GMA, sawa na jan ang Star Cinema. LOL!,” said another fan. Oo nga. Ang Star Cinema, buwan-buwan may movie. Ang GMA Films, nasaan na? Parang hindi na sila nararamdaman sa showbiz.

But of course, may nagtanggol uli kina Alden at Maine, one AlDub fan said, “Wala kayong alam kundi mangnega. What’s wrong with posting the gross of the movie? May problema ba du’n? Good vibes na lang sana. Wala nang nega!”

Read more...