Gerald kakaiba ang tingin kay Bea, feeling in love

bea alonzo at gerald anderson

SPEAKING of “How To Be Yours”, napanood na namin ang full trailer ng latest Star Cinema offering na pinagbibidahan nga nina Bea at Gerald na dati na ring na-link sa isa’t isa.

Ito ang first movie nila together at in fairness, napakalakas ng chemistry ng dalawa on screen. Sa teaser pa lang ng pelikula ay kitang-kita na ang “magic” sa pagitan ng dating magdyowa, lalo na sa mga kilig moments nila.

Sa direksiyon ni Dan Villegas, ang “How To Be Yours” ay isang modernong love story na nakasentro kina Anj (Bea) at Nino (Gerald) – dalawang magkaibang tao na may kanya-kanyang mga pangarap sa buhay. Magkikita sila ng di inaasahan at kapwa mahuhulog ang kanilang mga puso sa ias’t isa. At ito ang magbabago sa kanilang mga buhay.

Parehong magbabago ang pagkatao nina Anj at Nino habang tumatagal ang kanilang relasyon. Haharapin nilang dalawa ang katotohanan na susubok sa kanilang relasyon: ang mga dahilan ba kung bakit nila minahal ang isa’t isa ay sapat na upang ipagpatuloy nila ang kanilang pagmamahalan? Promise nina Bea at Gerald, makaka-relate ang lahat ng Pinoy sa kuwento nina Anj at Nino sa “How To Be Yours”, lalo na sa mga mahihilig sa hugot lines, pati na rin sa mga hopeless romantic.

Ayon naman kay direk Dan, siguradong mag-eenjoy ang manonood sa pelikula nila dahil makatotohanan at punumpuno ng “hugotable” punchlines ang mga karakter nina Gerald at Bea. Bilib din daw siya sa professionalism ng dalawa dahil lahat ng kailangan sa pelikula ay game na game na ginawa ng dating magdyowa.

Anyway, nang matanong naman sina Bea at Gerald kung posible bang magkaroon ng part two ang dati nilang relasyon, wala silang ibinigay na diretsong sagot. Ayon sa dalawa, ayaw muna nilang pangunahan ang mga bagay-bagay, basta ang mahalaga sa kanila ngayon ay ang maganda nilang relasyon bilang magkaibigan.

Ngunit sa nakaraang presscon ng kanilang first movie together, kitang-kita ang kakaibang tingin ni Gerald kay Bea, mukhang may “something” pa talaga ang binata sa Kapamilya actress. Feeling namin, in love pa rin siya kay Bea pero may pumipigil sa kanyang ligawan muli ang dalaga. Showing na ang “How To Be Yours” sa July 27 sa mga sinehan nationwide.

Bukod sa bagong pelikula, meron ding upcoming teleserye si Bea sa ABS-CBN, ang The Second Wife, kung saan makakasama niya sina Ian Veneracion at Iza Calzado sa direksyon ni Jerry Sineneng. Makakasama rin dito sina Enchong Dee, Julia Barretto, Tirso Cruz III, Irma Adlawan at Vin Abrenica.

Read more...