Coco may konsepto na para sapelikula nila ni Mega; Tungkol daw sa mag-ina

sharon cuneta at coco martin

NAIKUWENTO ng Teleserye King na si Coco Martin sa “Ang Pasasalamat” presscon ng FPJ’s Ang Probinsyano ang proyektong posibleng pagsamahan nila ni Megastar Sharon Cuneta.

Ayon kay Coco matagal na siyang may naisip na concept para sa pelikulang pagsasamahan nila ni Sharon. Una raw niya itong naikuwento sa yumaong direktor na si Wenn Deramas. “After po ipalabas ang ‘Beauty And The Bestie’ namin ni Vice (Ganda) itinawag ko noon kay Direk Wenn.

“Sabi ko may naisip po ako na concept, sabi niya ano ‘yun. Tapos ikinuwento ko ‘yung story ng magnanay kaso ang kasama ko rito si ate Shawie, ang ganda niyan sabi niya tapos tawag tayo sa Star Cinema, ganyan-ganyan. Sabi ko direk ikaw na bahala then itinawag na niya,” kuwento ni Coco. Nakarating na rin daw kay Sharon ang tungkol sa nasabing proyeto at excited na nga itong simulan ang pelikula.

“Kapag nagkaroon ako ng opportunity, kapag nagkaroon ako ng break sa Probinsyano gawin na natin sabi ko kay Direk, and then nangyari nga iyun kay Direk Wenn, hindi na siya ulit napag-usapan, hanggang sa magkita kami ni Tita Malou (Santos) sinabi ko na rin kanya.  “Noong trade launch po nagkita kami ni Ate Shawie siguro po nabanggit ni Tita Malou na, ‘may concept with Coco and sa iyo’ ganyan, nang magkita kami ni Ate Shawie tuwang-tuwa siya,” aniya pa.

Isa sa mga nasa bucket list ni Coco ang makatrabaho ang magagaling at maituturing nang mga icon sa mundo ng pelikula kabilang na si Mega. “Bilang artista isang karangalan na makatrabaho ko sila kasi dati idolo ko sila, idolo sila ng nanay at tatay ko. Napakasarap sa pakiramdam na yung maliliit na bagay na natutupad dahil nakakatrabaho ko sila,” pahayag pa ng Kapamilya actor.

Read more...