Tito Sen dumepensa sa panghihiya sa Sugod Bahay winner

TITO SOTTO

TITO SOTTO

IPINAGTANGGOL ni Sen. Tito Sotto ang kanyang sarili laban sa mga netizens na galit na galit sa panghihiya at pambabastos daw niya sa isang babaeng winner sa “Sugod Bahay” segment ng Eat Bulaga.

Hindi nagustuhan ng ilang manonood ang naging pahayag ng senador sa episode ng Eat Bulaga noong July 9, 2016 kung saan pinagalitan nito ang nasabing babae matapos umaming may isang lalaking kainuman na nag-take advantage sa kanya dahil sa sobrang kalasingan.

Sey ni Tito Sen, “Ang may kasalanan ng lahat na iyan ay yung pag-inom. Yung pa-shot-shot. Kababae mong tao, pa-shot-shot ka.” Na dinugtungan pa ni Jose Manalo ng, “Hindi tama ‘yon. Umiinom ka na, naka-shorts ka pa.”

Ayon sa ilang netizens, masyado raw “sexist” ang naging pahayag ng senador at ni Jose, parang sinisi pa raw ng mga ito ang babae sa nangyari sa kanya.

Sa panayam naman ng TV5 kay Tito Sen, sinabi nitong wala siyang intensiyong makasakit o manghiya ng tao, “It was a simple reaction saying that a married lady should not be out at night having shots (or drinking) with men other than her husband.”

Samantala, sa July 21 maghaharap ang mga executives ng Eat Bulaga at opisyal ng MTRCB para sa isang dialogue para pag-usapan ang nasabing issue at para makabuo rin ng isang agreement para hindi na maulit ang nasabing insidente.

Read more...