Buboy Villar ka-live in na ang dyowang amerikana, may balak nang magpakasal

BUBOY VILLAR AT ANGILLYN SERRANO GORENS

BUBOY VILLAR AT ANGILLYN SERRANO GORENS

PLANO nang pakasalan ng dating child actor na si Buboy Villar ang kanyang American girlfriend na si Angillyn Serrano Gorens. Sa Amerika raw balak magpakasal ng dalawa sa susunod na taon.

Ito ang ibinalita ni Buboy nang makachika ng ilang miyembro ng entertainment press sa media launch ng telefantasya ng GMA 7 na Encantadia kamakalawa ng gabi. Nasa tamang edad na raw sila ng kanyang girlfriend para bumuo ng sariling pamilya: pareho silang 18 years old ngayon.

Inamin din ng Kapuso teen actor na nagli-live in na sila ni Angillyn at may blessing daw ito ng kani-kanilang pamilya. Ayon sa binata, maayos na rin daw ang relasyon niya sa pamilya ng kanyang GF, tanggap na raw ng mga ito ang relasyon nila ni Angillyn.

“Wala na pong isyu, tsaka American po si Angie, pero dito na siya sa Pilipinas lumaki kaya marunong siyang mag-Tagalog. Doon naman po sa America, basta 18 years old ka na, may freedom ka nang gawin ang gusto mo sa buhay.

“Yun ang naging desisyon niya, na magsama na kami. Ako naman, mahal na mahal ko si Angie. Ayokong mawala siya sa buhay ko. Ayoko siyang pabayaan. Kaya nag-usap kami nang maayos at nag-decide na nga kaming magsama na.

“Baka po sa 2017, planuhin na namin ang kasal para maging maayos na ang pagsasama namin,” ang pahayag ni Buboy.

May mga nagkomento naman na masyado pang bata ang dalawa para magpatali sa isa’t isa at bumuo ng sariling pamilya, pero ang sabi nga ni Buboy sa isang hiwalay na panayam, “Bakit pa namin patatagalin, e, nandito na kami sa puntong sobrang mahal na mahal namin ang isa’t isa?

“Hindi natin mapipigilan kung ano ang destiny natin, di ba? Sabi ko nga kay Angie, hindi kami makikinig sa mga sasabihin ng ibang tao.

“Oo, tama sila na mga bata pa kami para pasukin ang ganitong klaseng pagsasama at kailangan maghintay kami ng tamang panahon. Pero ang importante ay mahal namin ang isa’t isa.

“Tsaka gusto ko na rin na magkaroon ng sarili kong pamilya balang-araw,” paliwanag ni Buboy.

Itinuturing namang lucky charm ng binata si Angie sa buhay at career niya. Marami raw siyang work ngayon kabilang na nga riyan ang Encantadia kunsaan gaganap siya bilang si Wantuk.

Mas lalo nga raw siyang na-inspire magtrabaho dahil sa kanyang GF na all-out din ang support sa kanya, “Ngayong may plano na kaming magpakasal, mas sisipagan ko siyempre na magtrabaho.

Kailangang patunayan ko sa kanya at sa pamilya niya na karapat-dapat ako bilang asawa niya.”

Magsisimula na sa GMA TeleBabad ang Encantadia sa July 18 pagkatapos ng 24 Oras, kapalit ng Poor Señorita.

Read more...