NAGPALIWANAG na si Baron Geisler kung bakit siya nag-walkout sa podcast show ni Mo Twister.
“Sorry, felt really awkward sa mga topic. Also was really hungry. Thanks for understanding. Love to Mo and Mara,” maikling explanation ni Baron sa kanyang social media account.
Much-awaited ang interview ni Baron sa show ni Mo because many were thinking na hindi na ito matutuloy dahil nagparunggitan na sila sa Twitter.
Bilang ganti sa aria ni Baron na walang kuwenta ang show ni DJ Mo at binabastos lang nito ang mga babaeng guests ay ibinuking naman ni Mo na nagpapabayad si Baron ng P20,000 for his live guesting.
People were wondering kung bakit itinuloy pa rin ni Baron ang pag-appear sa show ni Mo gayong binastos na siya nito.
They were actually asking kung ibinigay ba ni Mo ang P20,000 talent fee na dine-demand ni Baron kaya natuloy ang guesting ni Baron.
Anyway, nag-walkout na si Baron. Hindi niya kinaya ang line of questioning ni Mo, mukhang na-offend o nabastusan siya sa mga tanong ng kontrobersiyal na DJ.