P2M shabu nahukay sa Catanduanes | Bandera

P2M shabu nahukay sa Catanduanes

John Roson - July 14, 2016 - 06:15 PM
620x344xhigh-grade-shabu.jpg.pagespeed.ic.VEdK89q954 Aabot sa P2 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nahukay ng mga awtoridad sa Pandan, Catanduanes, Huwebes ng umaga, matapos ituro ng isang naarestong drug pusher, ayon sa pulisya.

Nahukay ang 71 lalagyan na may aabot sa P2.13 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa tabi ng isang puno ng akasya sa Brgy. Balangonan dakong alas-2, sabi ni Senior Insp. Virgil Bibat, hepe ng Pandan Police.

Ito’y matapos mapaamin ng pulisya ang naarestong drug pusher na si Randy Eusebio na mayroon pa siyang itinatagong droga, sabi ni Bibat nang kapanayamin sa telepono.

Una dito, nadakip si Eusebio sa isang raid pasado ala-1 ng umaga Miyerkules sa Brgy. Libod. Nakuhaan si Eusebio ng 12 sachet ng hinihinalang shabu sa raid.

“Habang nasa custody namin siya, naka-elicit kami ng information na may inilibing pa siyang droga doon sa isang puno,” ani Bibat.

Nakakuha din ng iba pang impormasyon ang pulisya mula sa suspek, pero di pa ito maaaring ilabas dahil may ikinakasa pang kasunod na operasyon, anang police official.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending