Win No. 7 target ng Phoenix Accelerators

Mga Laro Ngayon
(Ynares Sports Arena)
4 p.m. Café France vs Blustar Detergent
6 p.m. Phoenix vs AMA Online Education
 Team Standings: Phoenix (6-1); Café France (5-1); Racal (6-2); Tanduay (5-3); AMA
(1-4); Blustar (1-6); Mindanao (0-7)

MAGPAPAKATATAG sa liderato ang Phoenix Accelerators sa pagsagupa nito sa AMA Online Education Titans sa pagpapatuloy ngayon ng 2016 PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ikinatuwa ni Phoenix coach Eric Gonzales na makita ang inaasam na “winning mentality” ng koponan sa pagwawagi nito kontra Tanduay Rhum Masters, 108-95, noong Martes.

Subalit makakasagupa ng Accelerators ganap na alas-6 ng gabi ang Titans na galing sa unang panalo sa torneo matapos na magwagi sa Blustar Detergent Dragons, 81-78, noong Hunyo 27.

“I told them na kung saan tayo nadapa, doon tayo bumangon. Thankful ako dahil nag-respond naman ‘yung mga players,” sabi ni Gonzales na umaasang matatabunan ang problema sa koponan.

Nagtulong sina Ed Daquioag, Mac Belo at Mike Tolomia na nagpamalas ng matindi nitong paglalaro upang ibigay ang kabiguan sa Rhum Masters.

“We have to play basketball correctly. Mahirap mag-build ng bad habits and ang kailangan talaga is constant reminder sa mga players,” sabi ni Gonzales habang inihahanda ang koponan kontra sa Titans sa salpukan nito sa ganap na alas-6 ng gabi.

Subalit makakasagupa nito ang AMA squad na sariwa pa sa paglasap sa una nitong panalo sa torneo matapos na magwagi sa Blustar Detergent Dragons, 81-78, noong Hunyo 27.

Magkakatapat naman sa unang laro ang Café France Bakers na hangad mapanatili ang posisyon sa itaas ng team standings sa pagsagupa sa Blustar Detergent ganap na alas-4 ng hapon.

Read more...