Tito Sotto, Eat Bulaga executives inireklamo…ipinatawag ng MTRCB

tito sotto

DAHIL sa sunud-sunod na reklamo ng mga manonood, ipinatawag ng pamunuan ng MTRCB ang mga executives ng Eat Bulaga kabilang na si Sen. Tito Sotto dahil sa panghihiya diumano nito sa isang “Sugod Bahay” winner ng noontime show.

Ang nasabing insidente ay nangyari sa umereng episode ng Eat Bulaga noong July 9 kung saan isang babaeng winner sa Juan For All, All For Juan segment ng programa. Naikuwento kasi nito ang tungkol sa pananamantala sa kanya ng kaibigang lalaki dahil sa sobrang kalasingan. Hiniwalayan daw siya ng kanyang asawa dahil dito. Sinabi ng babae na hindi na raw talaga niya maalala ang nangyari dahil nga lasing sila pareho nu’ng nagsamantala sa kanya.

Dito na nagkomento si Tito Sen na nang dahil lang sa alak ay may nasisirang pamilya. Nag-dialogue pa ang senador ng, “Kababae mong tao, shot-shot ka,” na sinang-ayunan naman nina Jose Manalo at Wally Bayola. Matapos ang programa, inulan na ng batikos si Sen. Sotto mula sa netizens at ipinarating ang kanilang reklamo sa MTRCB.

Nakatakdang makipagpulong ang senador kasama ang TAPE president and general manager na si Antonio Tuviera, senior vice president at executive producer Malou Fagar, at ang senior vice president at creative head ng Eat Bulaga na si Jeny Ferre sa MTRCB sa darating na July 21.

Read more...