Isang kongresista ang nagpa-drug test bago pa man ito maging mandatory sa Kamara de Representantes.
Si Isabela Rep. Rodito Albano ay nagpa-drug test sa Saint Lukes Medical Center sa Quezon City.
Ang resulta, negatibo siya sa methamphetamine at tetrahydrocannabinol.
Noong Hulyo 9 siya sumailalim sa pagsusuri.
Ipinanukala ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na gawing mandatory ang drug testing sa mga kongresista, kanilang staff at mga employed ng Kamara de Representantes.
Sinabi ni Barbers na dapat maging halimbawa ang mga kongresista na siyang gumagawa ng batas laban sa ipinagbabawal na gamot.
Pabor naman dito si incoming House Speaker Pantaleon Alvarez na sinabing kukunin niya ang consensus ng mga miyembro ng 17th Congress sa pagbubukas ng sesyon.
MOST READ
LATEST STORIES