Retirado sa Iloilo nanalo ng P76M jackpot

    lotto for site
Isang retirado mula sa Iloilo City ang nanalo ng P76.1 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 noong Hulyo 6.
     Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office ang nanalo ay mayroong asawa at dalawang anak.
     Lucky pick ang kanyang tinayaan o ang lotto machine ang pumili ng numero para sa kanya. Noong 2000 siya nagsimulang tumaya sa lotto.
     Ang winning number combination na nagbigay sa kanya ng suwerte ay ang numero 1-2-3-9-19-27.
     Nagkakahalaga ng P20 ang kanyang taya ng manalo.
     Kamakalawa lang siya pumunta sa main office ng PCSO upang kunin ang kanyang premyo.

Read more...