Revilla pinayagan sa dental procedure

bong revilla
Pinayagan ng Sandiganbayan First Division si dating Sen. Ramon Bong Revilla Jr., na makalabas ng kanyang kulungan para sumailalim sa dental procedure.
     Sa dalawang pahinang utos na inilabas ng korte, sinabi nito na maaaring umalis si Revilla sa kanyang kulungan mula 2 ng hapon, kahapon para sa first stage ng kanyang implant surgery.
     Sa Hulyo 16 ay muli siyang lalabas para sa post operation checkup at sa Hulyo 23 para sa suture removal at stay plate denture recline.
     Isasagawa ang dental procedure sa Gan Osseointegration Center sa Ground Floor, The Residences, Greenbelt Center sa Arnaiz Ave., Makati City.
     “He shall be transported from his detention cell at Camp Crame not earlier than one hour before the appointed time, and brought to GAOC and to no other place for the above mentioned procedure,” saad ng desisyon. “… and shall be transported back to his detention cell at Camp Crame immediately after completing the procedures but not later than 4 pm of the same day.”
     Inatasan ang Philippine National Police na bantayan si Revilla at ipinaalala na bawal itong gumamit ng anumang communication gadgets.
     Bawal din siyang magpa-interview sa media at ang lahat ng gagastusin ay manggagaling sa kanya.
     Si Revilla ay nahaharap sa kasong plunder, isang non bailable offense, kaugnay ng pork barrel fund scam. Pinayagan umano siyang mapunta ang kanyang pork barrel fund sa mga non-government organization ni Janet Lim Napoles kapalit ng P224 milyong kickback mula 2006 hanggang 2010.

Read more...