Ka Freddie pumayag nang pamunuan ang NCCA pero may hiling kay Digong | Bandera

Ka Freddie pumayag nang pamunuan ang NCCA pero may hiling kay Digong

Ervin Santiago - July 13, 2016 - 12:15 AM

freddie aguilar and rody duterte

MAY ni-request pala ang music icon na si Freddie Aguilar kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“Meron po akong hiningi sa kanya. Gusto ko po ay bigyan niya ng isang departamento ang kultura at ang sining natin kasi gusto ko po talaga na magkaroon po tayo ng cultural revolution sa ating mga kababayan.

“Sabi ko, ‘heto lang po ‘yung revolution na walang mamamatay.’ Ang ibig sabihin ko po sa cultural revolution ay pinapangarap ko po na ibalik ‘yung mga talagang Pilipino na pag-uugali natin, pati sining natin, pati panulat natin, ibalik sa atin ‘yun tinanggal sa atin ng mga banyaga,” pahayag ni Ka Freddie sa panayam ng ABS-CBN.

Dugtong pa nito, “Pag tinanong mo sila balang araw, hindi na po nila iisipin na ‘taga-Luzon ako, wala akong pakialam sa Visayas.’ ‘Taga-Visayas ako, wala akong pakialam sa Mindanao. Pag nagkaroon po tayo ng cultural revolution, pag sinabi po nating Ilokano, Kapampangan, Bisaya, lahat po ‘yan maninindigan na siya ay Pilipino.”

Ang inalok daw muna sa kanya ng Palasyo ay ang pamunuan ang National Commission of Culture and the Arts o NCCA habang hindi pa available ang hinihiling niyang departamento, “Ang sabi ko, ‘Sige po, susubukan kong pamunuan muna ito.’”

“Mahahawakan ko lamang po siya (NCCA) kung tutulungan ako ng lahat. Nandito po si Cesar Montano, nakikita po ninyo si Anthony Castelo. Lahat po ng mga nakausap kong mga nagmamahal sa bayan natin na mga kapatid po natin hindi lang sa trabaho, sa musika kundi po pati ‘yung mga negosyante, nakipag-usap na po ako sa kanila at lahat po sila nakahandang tumulong.

“Pati po ‘yung mga kababayan nating Pilipino na ipinanganak at lumaki na sa ibang bansa, ‘nung malaman po nila ‘yung hangarin ko, lahat po sila ay sumusumpang tutulong sa ating lahat,” sey pa ni Ka Freddie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending