Forever na ba ang boyfriend?

Sulat mula kay Evelyn ng Cabittaogan, Sta. Catalina, Ilocos Sur
Dear Sir Greenfield,
Magta-tatlong taon na po kaming mag-on ng boyfriend ko. Kaya lang noon nya pa sa aking sinasabing magpapakasal kami, pero hanggang ngayon hindi pa nya tinutupad ang kanyang pangako. Naisipan kong sumangguni sa inyo dahil tulad ng ibang mga babae, pangarap ko rin pong lumakad sa harap ng altar at mag-suot ng damit pang-kasal. May pag-asa kayang pakasalan ako ng boyfriend ko at siya na kaya ang forever kong makakasama sa pagbuo ng isang masaya at pang habang buhay na pamilya? November 18, 1990 ang birthday ko at July 3, 1989 naman ang boyfriend ko.
Umaasa,
Evelyn ng Catalina, Ilocos Sur
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang naman ang malinaw, makapal at mahabang Marriage Line sa iyong palad. Ibig sabihin, kung sinoman ang lalaking “tila asawa mo na sa kasalukuyan” – malinaw ang nais sabihin ng iyong palad pakasalan ka man ng boyfriend mo o hindi tiyak na kayo pa rin ang magiging forever.
Cartomancy:
Ang Jack of Clubs, Nine of Hearts at Queen of Clubs ang nagsasabing may pagdadalawang isip ang boyfriend mo sa ngayon kaya hindi ka pa niya agad-agad maaya na pakasalan, ganon paman, ang Nine of Hearts ang kumumpirma, na kahit na magdalawang isip pa ang iyong boyfriend, sa susunod na taong 2017 sa edad mong 27 pataas.
Itutuloy….

Read more...