Zsa Zsa kay Mang Pidol: Miss na miss na kita!

zsa zsa padilla

Kahit na apat na taon na ang nakalipas, hindi pa rin maitatanggi ni Zsa Zsa Padilla na si Mang Dolphy pa rin ang maituturing niyang “greatest love”.

Sa 4th death anniversary ng Comedy King, muling inilala ng Divine Diva ang maraming taon ng pagsasama nila bilang partners in life, na kahit hindi man sila ikinasal, ay dinaig pa nila ang tunay na mag-asawa. Sa kanyang Instagram account, ipinaramdam muli ni Zsa Zsa ang kanyang pagmamahal kay Pidol bilang pag-alala sa ika-4 na taong pagkamatay nito.

Isang lumang picture ni Pidol na may bulalak ang ipinost ng singer-actress-TV host sa kanyang IG na may caption na: “Today, on your 4th death anniversary, we remember you with fondness. You are loved by many and remembered for having filled our lives with laughter.

“Thank you for your kindness, humility and generosity. We miss you. I miss you. Please say a little prayer for Dolphy as today (last Sunday) marks his 4th death anniversary. Thank you, friends.”

Read more...