Talent manager tinalakan si Baron

baron geisler

Binatikos ng kilalang talent manager at beauty queen maker na si Jonas Gaffud ang naging pahayag ni Baron Geisler laban kay Mo Twister kung saan ginamit nito ang salitang “gay” sa paglalarawan sa kaaway nitong DJ.

Hindi nagustuhan ni Jonas Gafud ang paggamit ni Baron ng salitang “gay” sa kanyang pakikipag-away kay DJ Mo, partikular na ang bahaging, “You’re not a man of your word. You’re simply gay.” Sa kanyang Facebook account, inilabas ni Jonas ang kanyang saloobin tungkol sa issue, “Can you stop calling men who are coward, who make mistakes or don’t live up to your standard as GAY.

“Call them STUPID or MORON or WEAK, whatever term you want. “C’mon you have a lot gay friends who help you in the industry. We are even stronger than most of you,” sabi pa ng talent manager.
Sumagot naman si Baron sa nasabing post at sinabing ang ginamit niyang “gay” sa kanyang post ay nangangahulugan ng pagiging “happy”.

Read more...