DINUKOT ang tatlong Indonesian sa karagatan ng Malaysia ng mga hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf.
Kinumpirma ni Malaysian marine police chief Abdul Rahim Abdullah ang nangyaring pagdukot.
“It happened close to midnight yesterday. The three were crew in a fishing trawler,” sabi niya.
Hindi pa sinabi ng mga otoridad kung naniniwala silang Abu Sayyaf ang nasa likod ng pinakahuling insidente ng pagdukot.
Nangyari ang insi-dente sa karagatan ng Lahad Datu sa silangang Sabah sa Borneo island, Malaysia, na malapit lamang sa Mindanao.
Noong Hunyo ay dinukot ang pitong Indonesian crew ng Abu Sayyaf.
Bukod pa rito, dinukot din ang 14 pang Indonesian crew, bagamat pinakawalan. Hindi naman malinaw kung nagbayad ng ransom kapalit ng kanilang kalayaan.
3 Indones dinukot; Abu responsable?
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...