Mas marami pang personalidad iuugnay ni Duterte sa droga

rodrigo duterte

TINIYAK kahapon ng Palasyo na mas marami pang personalidad ang iuugnay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa iligal na droga sa susunod na mga araw matapos namang pangalanan ang limang heneral ng Philippine National Police (PNP) na umano’y protektor ng mga drug lord.

Sa isang panayam, sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) head Secretary Martin Andanar na dapat abangan na lamang ang muling pagbubunyag ni Duterte ng mga opisyal na sangkot sa droga.

“Meron pa pong mga ibang mga persons of interest na ia-anunsyo din po ng Pangulo. Kung kailan, iyon po ang hindi ko masasagot,” sabi ni Andanar.

Kasabay nito, sinabi ni Andanar na ang dating administrasyon ang dapat sumagot kung bakit hindi nabigyan ng pansin ang problema sa droga.

“You have to decide for yourselves kung ano ang nangyari pero, again, yung mga tanong na ito ay dapat itanong doon sa mga nakaraang administrasyon. At hindi naman natin ugali ang manisi,” ayon pa kay Andanar.

Read more...