P200M jackpot ng Grand Lotto

lotto for site
Posibleng umabot ng P200 milyon ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa bukas ng gabi.
    Ito ay matapos na hindi tamaan ang P193.98 milyong jackpot prize ng Grand Lotto sa bola noong Sabado ng gabi.
     Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office walang tumaya sa winning number combination na 28-43-31-13-18-02.
     Nanalo naman ng tig-P125,880 ang 13 mananaya na nakakuha ng limang numerong lumabas.
     Tig-P1,180 naman ang 1,108 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 23,245 mananaya na nakatatlong numero.
     Ang Grand Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.

Read more...