Robin: Hindi ako tumulong kay Digong para magkaposisyon sa gobyerno! | Bandera

Robin: Hindi ako tumulong kay Digong para magkaposisyon sa gobyerno!

Ervin Santiago - July 10, 2016 - 12:20 AM

robin padilla

HINDI kailangan ni Robin Padilla ng posisyon sa gobyerno para maipagpatuloy niya ang pakikipaglaban para sa pagbabagp at karapatan ng mga Pilipino.

Ayon kay Binoe, hindi siya naghihintay na mabigyan ng posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos niya itong ikampanya nang bonggang-bongga. Ilang ulit na raw niyang sinabi na ayaw niyang sumabak sa politika at wala siyang balak na maging politiko.

“Rebolusyonaryo ako, I do not join government. I fight government. Hindi ako tumulong kay Mayor (Duterte) para humingi ng position.  “Yung posisyon na ‘yan, ibinibigay sa mga magna cum laude. Ako, ano lang ako, e, cum laude lang ako!” natawang sabi ni Robin sa isang panayam.

Dagdag pa ni Robin hindi rin naman daw siya kinausap ni Digong para sumali sa kanyang gabinete. “A, hindi na po. Huwag na natin istorbohin si mahal na Pangulo, masyado siyang busy. Si Presidente naman ang nagsabi, kung meron kang idea at maganda ang idea mo, makakarating sa kanya,” sey pa ni Binoe sa nasabing interview.

Samantala, triple ang ginagawang pag-aalaga ni Robin sa kanyang misis na si Mariel Rodriguez na ilang buwang buntis na ngayon. Kailangan daw niyang maglaan ng sapat na panahon para kay Mariel para hindi na ito makunan. Dalawang beses nang nakunan si Mariel na naging sanhi ng matinding depresyon nito kaya kailangang mag-effort si Binoe para maging healthy ang asawa at ang kanilang magiging panganay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending