Cesar, Eddie, Bembol puring-puri si Coco Martin

cesar bembol eddie coco

WINNER ang guesting ni Cesar Montano sa nangungunang teleserye sa bansa na FPJ’s Ang Probinsyano dahil mas lalo pang tumaas ang rating nito mula nang lumabas ang karakter niya bilang hitman na si Hector.

Tauhan din siya nina Tomas (Albert Martinez) at Don Emilio (Eddie Garcia) at inatasang patumbahin ang lolo ni Cardo (Coco Martin) na si Delfin (Jaime Fabregas) dahil sa patuloy na pakikialam sa kanilang ilegal na negosyo.

Bukod kay Cesar, pasok na rin sa Ang Probinsyano sina Eddie Gutierrez at Bembol Roco at ang Kapamilya actress na si Meg Imperial. Puring-puri rin ng mga ito ang galing ni Coco sa serye bukod pa sa pagiging humble nito sa kabila ng tagumpay na tinatamasa.

Huwag palampasin ang mga napapanahong eksena at maaaksyong tagpo sa numero unong primetime teleserye, FPJ’s Ang Probinsyano, gabi-gabi sa ABS-CBN.

Read more...