2 taon problema sa Meralco

 

BAGO ang lahat po,nais ko po batiin ng isang magandang umaga ang Aksyon Line.
Mangyaring sumulat po ako sainyo sa unang pagkakataon upang ma-resolba ang problema namin dito sa Hermano St. Cavite City, year. Taong 2014 pa hanggang ngayon hindi pa po maayos ng Meralco ang tagilid na poste nila dito sa tapat ng Topher Bakery corner Serrano St. Hermano St. San Antonio, Cavite City. Itinawag ko po sa hotline 162-11 ng Meralco mayroon pang “press 2 ” at “press 5”, mayroon pa pong sumasagot na babae sa linya ng telepono mayroon daw pong darating na truck ng Meralco for maintenance repair sa June 7, 2016. Ang kaso po, wala namang dumating na truck ng Meralco. Kinuha po ng hotline ng Meralco ang pangalan ko- Loreto Ilagan – pasok na raw po at Internet po ang problema ko.

The problem is wala pong dumarting na truck ng Meralco at this moment.
Iyong transformer po laging pumuputok-putok lalo na kung umuulan at natatakot po kaming mga residente rito at baka kami ay masunugan.

P.S Please help us Aksyon Line of
Inquirer.

More power to all of you and God Bless.
Loreto Ilagan
161 Hernandez St.
San Antonio, Cavite City
REPLY: Gg. Ilagan maraming salamat po sa pagtitiwala at patuloy na pagtangkilik sa aming pahayagan .

Nakipag-ugnayan na po ang Aksyon Line sa Meralco para matugunan ang inyong hinaing.
Maraming salamat po.
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...