Boobs ni Myrtle Sarrosa agaw-eksena, pantasya ng mga adik sa cosplay

 

MYRTLE SARROSA

MYRTLE SARROSA

SINGLE ngayon ang actress-cosplayer na si Myrtle Sarrosa at hindi rin siya nag-e-entertain ng manliligaw ngayon dahil gusto muna niyang magseryoso sa career.

Mas ginanahan pa raw siyang magtrabaho ngayon dahil finally ay natupad na rin ang isa sa matagal na niyang pangarap – ang maging certified singer and recording artist.

Kahapon, ni-launch na ang kanyang debut album titled “Now Playing Myrtle” under Ivory Music & Video at doon pinatunayan nga ni Myrtle na pwede na rin siyang tawaging total performer dahil sing and dance talaga ang ginawa niya sa harap ng entertainment press.

At in fairness ha, lahat ng kantang nakapaloob sa kanyang album ay siya rin ang nag-compose at lahat ng tracks ay connected daw sa kanyang buhay.

“Truly a dream come true to find so many people who believe in my songwriting skills. Still unbelievable that my album is finally out and that now my voice can finally be heard.
“Thank you for the continuous support. Hope you can get the chance to listen to my original tracks, I’m sure one way or another makaka-relate kayo sa mga songs sa album,” chika pa ni Myrtle.

Trending na rin ngayon ang lyric video ng carrier single ng album na “Mr. Pakipot” na nakaka-LSS (last song syndrome) dahil sa upbeat tune and relatable lyrics nito.

Ang iba pang kanta sa “Now Playing Mrytle” album ay ang “Label” featuring Abra kung saan ipinakita naman ng dalaga ang galing niya sa pagra-rap, “Still Love Me,” “Sabi Nila,” “Heartbroken,” “Nasaan Ka Na?” “Tadhana” at “Ngayon.”

“Basta promise po yung mai-expect niyo sa album ko is not the typical music dito sa atin. All the songs are written by me based on my life experiences and love story na rin,” chika pa ng dalaga.

Pagdating naman sa pagra-rap, bukod kay Abra, na-inspire rin siya noon sa naging reaksiyon ng mga judges nang mag-rap siya bilang isa sa celebrity contestants sa Your Face Sounds Familiar Season 2.

“Noon kasing nag Your Face ako, napansin nila na may talent daw ako sa pagra-rap. Sabi sa akin noon ni Sir Gary V dapat daw i-pursue ko yun so we made sure na merong rap sa album,” sey pa ni Cosplay Queen.
Nakakabilib din ang tiyaga at dedikasyon ng dalaga pagdating sa pag-aaral, sa kabila kasi ng kanyang pagiging busy bilang artist ay hindi niya ito pinababayaan. Running for Cum Laude ang singer-actress sa kurso niyang BA Broadcast Communication sa UP Diliman at nakatakda na nga siyang mag-graduate sa December.

“I really want to get my diploma and gusto ko maging inspiration sa mga kabataan na no matter what you do in life dapat tapusin mo pa rin ang pag-aaral mo kasi yun pa rin ang pinaka-important sa lahat that would make you a better person eventually,” chika pa ng dalaga.

Hindi rin siya naghahanap ng lovelife ngayon at sa music na lang daw niya idinadaan ang kanyang pagiging single, “Alone ang puso ko ngayon but I’m happy being single. I know naman na darating din yan (dyowa) kahit hindi mo hanapin. Kaya ang mga kanta na kino-compose ko makaka-relate ang mga in love at makaka-relate din ang mga single,” ani Myrtle.

Napapanood din ang Kapamilya actress-cosplayer-singer sa ABS-CBN Primetime series na My Super D na dalawang linggo na lang sa ere. Semi-regular din siya sa Umagang Kay Ganda bilang segment host.
Samantala, itinanggi rin ni Myrtle ang mga tsismis na nagpadagdag siya ng boobs. Wala pa raw nireretoke sa kahit anong bahagi ng kanyang katawan.
Agaw-eksena kasi lagi ang kanyang dibdib kapag nagpe-perform siya kaya naman maraming guys ngayon ang nagpapantasya sa dalaga lalo na yung mga kabataan ngayon na mahilig sa cosplay.

Read more...