Dingdong napapabayaan ang katawan, lumalaki ang tiyan

marian rivera at dingdong dantes

MUKHANG napapabayaan na ni Dingdong Dantes ang kanyang katawan. We saw a photo which captured him, his wife Marian Something and Kris Aquino. Kuha yata sa studio ng morning show ni Marian ang litrato.

Kitang-kita roon na medyo nagkatiyan na si Dingdong. Ito ‘yung tinatawag na dad bod. Parang nasobrahan na siya sa pagkain. Baka napakasarap magluto ni Marian kaya hindi niya ito matanggihan at palagi siyang maganang kumain.

Mabuti na lang at wala pa yatang TV show si Dingdong, otherwise ay baka mapilitan siyang mag-exercise. Hindi kasi magandang tingnan na medyo malaki ang tiyan niya samantalang ang asawa niyang si Marian ay napanatili ang kaseksihan.

Mukhang walang masyadong ginagawa ngayon ang actor kaya naman panay lang yata pag-aalaga sa anak niyang si Baby Zia ang inaasikaso niya. Anyway, dapat na nga sigurong magbabad sa gym si Dingdong.

Read more...