PBB Lucky 7 housemates piniringan, ‘ikukulong’ sa Vietnam

pbb

MAY bagong bahay na titirhan ang mga napiling housemates para sa Pinoy Big Brother Season 7 na magbubukas na sa Hulyo 11, Lunes, at iyan ay sa Ho Chi Minh, Vietnam.

Ang ilan sa celebrities na lumipad na patungo roon noong Martes ay sina Yassi Pressman (Viva artist), Nikko Natividad (Gandang Lalaki winner ng It’s Showtime), at Hashtag member McKoy de Leon. Na-hold naman sa Immigration sina Juan Karlos Labajo, Jinri Park at isang hunk housemate dahil nagkaroon daw ng problema sa immigration cards at visa.

Base sa ulat ng TV Patrol ay walang ideya ang celebrity housemates kung saan sila dadalhin dahil blindfolded sila, nakasuot ng hood at naka-earphone. Sa tanong kay ABS-CBN head of Production na si direk Laurenti Dyogi kung bakit sa ibang bansa gagawin ang PBB 7, “Sa tagal na natin sa ere, medyo nakabisado na ng viewers, ng ating housemates ang PBB house.

Gusto rin natin ng isang lugar na kahit sa history natin ay may relationship, there were Vietnamese refugees in Palawan at marami tayong similarities tulad na lang sa prutas at sa temparatura,” paliwanag nito. Samantala, papalitan ng PBB 7 ang Jane The Virgin mula Lunes hanggang Biyernes at ang We Love OPM tuwing Sabado at Linggo.

Read more...