Throwback Thursday: Marian Rivera

marian rivera

BAGO pa kinoronahang Primetime Queen ng GMA si Marian Rivera, gumanap muna siyang nanay nina Jennylyn Mercado at Nadine Samonte sa fantaseryeng Super Twins noong 2007.

Ang Super Twins ay tungkol sa kambal na batang sina Sha-sha at Tin-tin na nagiging teenage superheroes sa pamamagitan ng dalawang mahiwagang singsing na nagmula sa bumagsak na santelmo.

Nagsisimula pa lang makilala noon si Marian sa bakuran ng Siyete kaya kahit anong role ang ibigay sa kanya ay wala siyang reklamo. Sa bandang ending ng Super Twins ay naging kontrabida rin siya kasama si Dennis Trillo.

Naging instant superstar ang aktres nang gawin niya ang Marimar kasama si Dingdong Dantes.

Read more...