Bagyong Butchoy lalong lumakas

pagasa
Mas lalo pang lumakas ang bagyong Butchoy habang tinatahak nito ang direksyon palabas ng Philippine Area of Responsibility.
     Kahapon, itinaas ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang public storm signal no. 1 sa Batanes Group of Islands.
     Bago magtanghali kahapon, ang bagyo ay nasa layong 860 kilometro sa silangan ng Calayan, Cagayan.
     Mayroon itong hangin na umaabot sa 195 kilometro bawat oras ang bilis at pagbugsong 230 kilometro bawat oras.
     Umuusad ito sa bilis na 30 kilometro pahilagang kanluran. Sinabi ng PAGASA na palalakasin ng bagyo ang Hanging Habagat na magdadala ng mga pag-ulan.
     Ngayong umaga ang bagyo ay inaasahang na sa layong 305 kilometro sa silangan-hilagang silangan ng Itbayat, Batanes. Bukas sa layong 365 sa hilaga-hilagang kanluran ng Itbayat.
     Lalabas ang bagyo sa PAR sa Sabado.

Read more...