Pabor si Batangas Rep. Vilma Santos-Recto sa panukalang no work no pay policy sa mga kongresista.
Sa pagtatapos ng orientation ng third batch ng mga neophyte congressman kahapon sa Kamara de Representantes, sinabi ni Santos-Recto na hindi daw sumuweldo ang mga hindi naman pumapasok.
“Kung hindi ka magtatrabaho, bakit ka babayaran?” ani Santos-Recto. “Tama lang naman ang pagsasabatas nyan. Kung nagtrabaho, may compensation, pag hindi, sorry na lang.”
Sinabi naman ni Bataan Rep. Geraldine Roman, ang unang transgender sa Kamara de Representantes, na kasama sa trabaho ng mga mambabatas ang pagdalo sa sesyon ng plenaryo.
“I support it. We are public servants and we need to perform by attending the sessions,” ani Roman.
Naghain ng panukala ni Navotas Rep. Toby Tiangco upang kaltasan ang sahod ng mga kapwa niya kongresista na hindi dadalo sa sesyon ng Kamara.
“At present, there are no existing policies that will discourage, if not sanction, the frequent absences of members of Congress. This situation may very well be seen as unfair, considering that ordinary citizens are subjected to the “no work, no pay policy”,” ani Tiangco sa House bill 412.
Punto ni Tiangco hindi nakakapagtrabaho ang Kamara kung hindi hihigit sa kalahati ng kabuuang bilang ng mga kongresista (297) ang papasok sa sesyon kaya nabibitin ang pagtalakay at pagpasa ng mga panukala na kailangan ng bansa.
MOST READ
LATEST STORIES