Naghahanap ng girlfriend (2)

Sulat mula kay Ramiro ng Larena Drive, Taclobo, Dumaguete City
Problema:
1. Marahil ay masyado akong naabala sa pagta-trabaho bilang pampublikong guro sa aming bayan, at sa pag-aasikaso sa aming pamilya, ako kasi ang panganay, kaya umabot ako ng 36 years old nag hindi man lamang nagkaka-girlfriend.
2. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung sa edad ko bang ito may posibilida pa kayang ako ay magka-roon ng girlfriend at makapag-asawa. Kung magkaka-girlfriend ako siya na kaya ang mapapangasawa ko at kailan naman kaya siya darating sa buhay ko. March 16, 1980 ang birthday ko.
Umaasa,
Ramiro ng Dumaguete City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Pisces (Illustration 2.) ay nagsasabing isang babaing isinilang sa zodiac signb na Virgo, na halos kasing edad mo rin ang darating sa buwan ng Oktubre o kaya’y Nobyembre, upang sa ayaw at sa gusto mo, may isang matamis at nakakikilig na suyuang mabubuo.
Numerology:
Ang birth date mong 16 ay nagsasabing ang babae na magiging girlfriend mo sa taong ito ay isinilang sa petsang 2, 20 o kaya’y 29. Magiging malambing siyang nobya at sa panahong kayo ay nagkatuluyan, sa 2018 tiyak ang magaganap – magiging mabuti din siyang asawa kung saan, bibiyaan kayo ng dalawang malulusog na mga anak.
Luscher Color Test:
Upang magtuloy-tuloy ang isang masaya at pang habang buhay na pagiibigan sa araw ng inyong kasal at ganon din sa itatayo nyong sarili at bahay, sikaping laging gumamit ng kulay na berde at dilaw. Ang nasabing kulay ang lalo pang magpapatimyas ng inyong pagmamahalan.
Huling payo at paalala:
Ramiro aon sa iyong kapalaran, sa lalong madaming panahon nakatakda ng dumating sa buhay mo ang isang babaing isinilang sa zodiac sign na Virgo na may birth date na 20. Ito ay magaganap sa taon ding ito ng 2016 sa buwan ng Oktubre hanggang sa tuloy-tuloy ng mabuo ang isang matimyas na relasyon na hahantong sa isang maligaya at pang habang buhay ng pamilya.

Read more...