Andi may bago nang dine-date, goodbye na kina Jake at Bret

andi eigenmann

KAHIT anong pilit ang gawin kay Andi Eigenmann ay ayaw talaga nitong magdetalye tungkol sa bagong lalaking dine-date raw niya.

Ayon sa dalagang ina, mas gusto niyang maging “maramot” about her personal life para maprotektahan din daw ang taong nagpapaligaya ngayon sa kanya, aniya, “Basta I’m happy, both sa career and sa personal na life ko.”

Sa panayam ng ABS-CBN, sinabi ni Andi na challenging ang role niya sa bagong serye ng ABS-CBN, ang “The Greatest Love” kung saan makakasama niya sina Dimples Romana, Matt Evans, Arron Villaflor at Sylvia Sanchez. “I’m going to be mabait this time. Sobrang good girl iyon character ko which is a new challenge for me and I’m really excited to hone my craft,” aniya.

Read more...