Tapat na salita

YOUR words are your truth. Hindi maaaaring magkahiwalay ang salita sa katotohanang iyong pinaninindigan. Iyan ang paniwala ko at naniniwala akong iyan ang pamantayan ng marami.

Ngunit bago maramdamdam o makita ang katotohanan ng mga salita, dadaan muna ito sa sukatan ng katapatan.

Maraming mabulaklak na salita. Ang kailangan lang ay magaling na tagasulat ng talumpati at isang magaling na tagapagsalita para maidaos ang isang magandang talumpati. Ngunit hindi lahat ng magandang talumpati ay kahanga-hanga. Ang kawalan o kakulangan ng katapatan ang maghihiwalay sa isang magandang talumpati sa isang kahanga-hangang talumpati.
Nang manumpa ang bagong pangulo nitong ika-30 ng Hunyo sa isang simpleng seremonya sa Malacanang, isang kahanga-hangang talumpati ang naitala sa kasaysayan ng panguluhan.
The inaugural speech was straight to the point, free of hyperbole, intricate and complex promises.
Duterte knew his mandate and he knew what is expected of him.
President Rodrigo Duterte to me represents the generation of men and women who values and honor their words as sacred representation of their being.
Kung ano ang sinabi, yun ang makikita at gagawin.
Marami na siyang nasabi sa mga unang talumpati ng kanyang mga unang araw bilang bagong pangulo.
Sa lahat ng kanyang mga nasabi, may isang bagay na tumimo sa isipan ng marami, kasama na ako.
Iyon ang walang iba kundi ang pagmamahal sa bansa. “Why am I here? Because I love my country and I am ready to serve the nation.”
It takes a lot of honesty to be able to utter those words with a conviction that resounds credibility to the core.

Kaya nang sabihin niya sa bagong pinuno ng Philippine National Police na “hindi sila kailangang mapahiya”, nakasisiguro na ang bagong ama ng bansa ay may pagpapahalaga sa salitang binitiwan.
Tunay na may mga mapapahiyang mga pulis na matagal na nakasandig sa kapangyarihan at proteksiyon ng kanilang posisyon at otoridad ay malalagas, mawawalis–’yan ang aking paniwala.

Hindi salita lang ang babala sa mga grupong kriminal lalo na yaong mga sangkot sa ilegal na droga, gayundin ang mga tiwali sa pamahalaan, maging sa mga pribadong sektor. May mangyayari at ito’y nararamdaman.

Yung mga nagsisukong pusher, yung mga napatay na “high value target” pusher, hindi pa yun. Hindi po iyon ang katuparan ng mga salita.

Nang tutukan ni Duterte ang usapin ng ilegal na droga, natumbok niya ang tahimik ngunit higanteng salot ng lipunan na sanhi ng pagkawasak ng maraming pamilya, pangarap at pagkatao.

Sa kanyang pagtumbok sa suliranin ng kriminalidad at ilegal na droga, nasapul ni Duterte ang puso ng pamilyang Pilipino na matagal nang nagpapasaklolo sa kumunoy na kinalalagyan ng lipunan na dulot ng ilegal na droga at kriminalidad.

Panghawakan natin ang mga salita ng bagong pangulo. Minsan lang ito. Anim na taon ito ng pagkakataon para sa pagbabago.

Read more...