Bashers sa bagong kadramahan ni Kris: Nakakasuka, nakakadiri siya!

kris aquino1

“REYNA talaga ng sarili niyang PR ang lola Kris Aquino ninyo!” ganting reaksyon ng mga nakatutok sa social media account ng nagbabalik-eksenang TV host.

Matapos kasi nitong i-post ang tatlong bagay na pananatilihin daw niyang “private” kahit anong mangyari (lovelife, bank account and her next move), palpak naman siya pagdating sa consistency at pagpapatotoo rito.

Paano ba kasing mananatiling private ang buhay niya kung lagi naman siyang may post o pahiwatig sa kanyang social media account? Tulad na lang ng pagpo-post niya ng litrato ng bouquet of flowers sa kanyang IG na parang teenager pang nag-emote na hindi niya papangalanan ang sender nito pero ang pahiwatig niya ay galing ito sa bagong suitor niya?

“Kadiri, nakakasuka siya. Wala na ba talaga siyang kahihiyan? For all we know, siya na naman itong nagregalo sa sarili niya ng mga bulaklak. Ha-hahahaha! Tumigil na nga siya!” ang komento ng isang basher ng TV host.

Read more...