Maine: Ayokong mag-ilusyon at tawaging aktres agad-agad!

maine mendoza

SPEAKING of “Imagine You And Me”, ibinida naman ni direk Mike Tuviera na kahit kabado raw itong si Maine Mendoza sa kanyang first full-lenght movie with Alden Richards, naitawid naman daw ng aktres ang kanyang role.

Lahat daw sila ay umalalay kay Maine na nag-request talaga sa mga co-workers niya ng suporta dahil wala naman daw siya talagang matatawag na experience sa pag-arte kahit pa lumabas na siya dati at nanalo pa ng award sa nakaraang 2015 MMFF.

“Ayokong maging ilusyunada at tawaging aktres agad-agad. Kaya po totoo yung sinabi ni direk na lagi akong nagpapaalalay at humihingi ng guidance kung tama ba ang ginagawa ko,” sey ni Maine sa isang bonggang presscon kamakailan.

Halata ang effort na pagandahin ang movie na almost 100% shot pala in Italy at iba pang magagandang lugar nearby. May worldwide showing kasi ito at inaasahan ngang mag-e-establish sa movie tandem ng AlDub.

Ramdam na ramdam din ang kilig sa trailer pa lang ng pelikula na sinegundahan ng mga co-stars ng AlDub na sina Kakai Bautista, Cai Cortez at Jasmine Curtis. Pinatotohanan din nila na on and off screen ay komportable at malalim na ang samahan nina Maine at Alden.

Ngayong July 13 na ipalalabas sa mga sinehan ang “Imagine You And Me” at dito na nga masusukat ang lakas ng hatak at solid na suporta ng mga fans nina Maine at Alden.

Read more...