Kris wasak na ang kredibilidad pagdating sa pangako

kris aquino

MAY binitiwan na namang pangako si Kris Aquino. Itatago na lang daw niya sa kanyang sarili ang kuwento ng kanyang lovelife. Mararamdaman daw natin ang milagro pero hindi natin makikita ang santo.

Pero inuunahan na namin, si Kris Aquino ang nagbitiw ng pangako, hindi ibang tao. At kapag nangangako si Kris, ang paghusga ay kakambal na niya agad, hindi niya makakayang tuparin ang pangakong binitiwan niya. Mapapako lang ‘yun, tulad ng mga nauna niyang pangako na hindi niya naman napanindigang tuparin, kinakain din uli ni Kris ang kanyang mga salita.

Pero iba raw ang pangako niya ngayon, sabi ni Kris, talaga raw paninindigan na niyang gawing pribado ang kanyang lovelife. Kahit daw clue ay hindi siya magbibigay, parang blind item lang ang peg, ganu’n!
Pero dahil si Kris nga ang nagbitiw ng pangako ay umani agad siya ng pagkontra mula sa ating mga kababayan. Sabihin daw ‘yun ni Kris sa lelang niya, isigaw raw niya ‘yun sa ibabaw ng bundok, para walang nakakarinig sa kanya.

Pagdating sa mga pangakong binibitiwan ni Kris ay wala na siyang kredibilidad. Sirang-sira na siya sa publiko dahil wala naman siyang pangakong tinupad niya. Bukas-makalawa lang ay sasabihin na rin ni Kris kung sino ang lalaking madalas magpadala ng bulaklak sa kanya. Kapag hindi niya sinabi kung sino ‘yun ay baka masabihan pa siyang ilusyunada.

Baka isipin pa ng iba na siya lang ang nagpapadala ng mga bulaklak sa sarili niya. Ha! Ha! Ha! Ha!

Read more...