TINALBUGAN nina Maine Mendoza at Alden Richards ang ilang Hollywood stars na nakapag-shooting na ng pelikula sa Italy.
Kuwento ni Mike Tuviera, ang direktor ng anniversary movie ng AlDub na “Imagine You And Me”, na-shock siya sa tindi ng suporta ng fans nina Alden at Maine dahil kahit daw nasa ibang bansa sila ay talagang nagpuntahan pa roon ang karamihan sa mga ito para makita up close and personal ang magka-loveteam.
“One of the best experiences about shooting abroad is how many fans we were able to meet along the way. Kakaiba talaga itong dalawang ito. Hindi namin ini-expect talaga na may mga darating na mga fans. “Kasi we were in the northern part of Italy and bihira ang may mag-shoot ng movie sa Como. But everywhere we shoot there, may group ng fans na sumusunod sa amin. Kaya well-documented ang shooting namin doon via social media.
“Sabi nga ng mga nakausap namin na locals doon, they were amazed with the popularity of both Alden and Maine dahil sa rami ng mga fans na pumupunta sa shooting namin doon. “Sabi pa nila, noong mag-shoot doon sina George Clooney, Brad Pitt, Angelina Jolie and Johnny Depp, hindi raw ganoon katindi ang experience nila. Unlike sa dalawang ito (AlDub), dumarami ang mga tao every day on our shoot. “At ang maganda sa dalawang ito, they are very accommodating. Kahit na inabot kami ng iba’t ibang weather doon while we are shooting, kapag may fan na gustong magpa-selfie with them, game sila parati.
“Ganoon nila kamahal ang mga fans nila kaya kahit pagod sila, they really make an effort to accommodate them dahil yung iba kasi ay bumiyahe pa nang malayo just to see them,” mahabang kuwento ni direk Mike sa media conference para sa “Imagine You And Me” kamakailan. Pambubuking pa ng direktor, saksi siya sa kakaibang closeness nina Maine at Alden habang naroon sila sa Italy, talaga raw hindi mo sila mapaghiwalay kahit saan sila magpunta.
“They’re almost inseparable. Except for when they had separate scenes. And sometimes even then. Maine and Alden seem to have their own language when they’re together. The rest of us just listen until we get the gist,” chika pa ni direk. Kung si direk Mike lang daw ang masusunod nais niyang ipalabas ang uncut version ng pelikula na baka raw tumagal nang apat na oras dahil sa dami ng magagandang eksena ng dalawa sa Italy.
“Kulang ang two hours of film time para maipakita ang maraming mga eksenang kinunan namin sa Como. Kaya hintayin na lang nila ang DVD version at doon na lang namin ilalagay ang mga additional footages at mga outtakes and bloopers para sa ikatutuwa ng mga fans nila Alden and Maine,” pahayag pa ng direktor.