Daniel, Kathryn sinugod ng mga fans sa Spain, pinagalitan ng mga pulis

 

HINDING-hindi malilimutan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang ilang araw nilang pagsu-shooting sa Spain para sa la-test movie nila under Star Cinema sa direksiyon ni Olivia Lamasan.

Kakauwi lang ng magdyowa sa Pilipinas galing Spain at balitang-balita na laging kinukuyog ang magka-loveteam ng kanilang mga fans kahit saan sila magpunta. Sinamantala rin ng KathNiel ang pamamasyal doon. “Nagkaroon kami ng off and hindi na nga namin kailangang umikot kasi du’n pa lang sa ginagawa naming movie e nakikita na namin yung buong Spain,” ani Daniel sa panayam ng ABS-CBN.

Kuwento pa ng binata, “Pag nanonood yung mga Filipino siyempre gustong tsumismis ng mga Espanyol…mababait naman ang mga Espanyol and ‘yung mga Fi-lipino hindi naman natin maiiwasang manood.

“Minsan kasi napapagalitan kami ng mga pulis dahil ang dami nila. So naano yung shoot namin kasi may oras lang yung shoot namin e,” dagdag pa ng aktor. Chika naman ni Kathryn, “Kasi yung permit baka bawiin sa amin kasi parang every day may time talaga kasi may mga sequence na kailangan siyang kunan, may plano.”

Read more...