Blackwater forward na si Gilbert Bulawan inatake sa puso sa practice, patay

gilbert bulawan
NASAWI nitong Linggo ang PBA player at Blackwater forward na si Gilbert Bulawan matapos atakihin sa puso habang nasa ensayo ng koponan sa SGS Gym sa lungsod Quezon.

Agad na isinugod ang 29-anyos na si Bulawan sa Capitol Medical Center matapos mag-collapse subalit idineklara rin itong dead-on-arrival.
Naglaro para sa San Sebastian College-Recoletos mula 2006-2010 ang 6-foot-4 native mula Legazpi Albay bago tuluyang pasukin ang pro league noong 2011 kung saan siya ang tinanghal na 17th overall pick ng Meralco Bolts. Kasunod nito ay na-trade siya at naglaro para sa Barako Bull at Blackwater Elite.
Ipinaabot naman ni PBA commissioner Chito Narvasa ang kanyang pakikiramay sa naulilang pamilya ni Bulawan at humingi ng dasal para sa kaluluwa nito.

Read more...