Maine sa relasyon nila ni Alden: Kung kami ang para sa isa’t isa, kami talaga!

maine mendoza at alden richards

NAPAHANGA kami ni Maine Mendoza dahil ang husay niyang sumagot sa mga tanong sa nakaraang presscon ng pelikulang “Imagine You And Me” ng APT Entertainment, M-ZET TV at GMA Films mula sa direksyon ni Mike Tuviera.

Sa Italy kinunan ang halos kabuuan ng movie bagay na nakadagdag ganda sa pelikula, ito na kasi ang uso nga-yon para pang-akit na rin sa manonood. Sabi nga ng ka-loveteam ni Alden Richards, “Yung mga sceneries, ang ganda po ng locations namin, isa po ‘yun sa highlights ng pelikula.”

Anyway, inamin ni Maine na sobrang pressure sila ni Alden sa una nilang pelilkula dahil hindi raw porke’t napuno nila ang Philippine Arena sa “Tamang Panahong” event ng Eat Bulaga ay hindi ibig sabihin na magi-ging kampante na sila sa “Ima-gine You And Me.”

“Hindi po mawawala ang pressure o ka ba talaga sa outcome ng movie kasi maski po kami kinakabahan talaga kung anong kalalabasan. Sigurado naman po ako na magiging maganda ito since maganda naman ang istorya at talagang pinaghirapan po ito nina direk at kami po lahat,” sabi ni Maine.

Sabi naman Alden, “Opo (pressured), sa lahat naman ng ganitong nangyari sa buhay ng mga tao especially po sa amin ni Maine as loveteam is after ‘Tamang Panahon,’ the second biggest break po of our loveteam. Excited po kami at kinakabahan kasi ang taas po ng expectation ng mga tao.” Hirit pa ni Maine, “At abangan n’yo po ‘yung twist ng pelikula kasi ‘yung sa trailer patikim pa lang po i-yon.”

Samantala, natanong si Maine kung okay lang bang i-partner sa iba si Alden, “Well, susuportahan ko naman po si Alden kung ano ang gagawin niya in the future after ng movie namin, susuportahan ko pa rin po siya kahit hindi ako ang kapartner niya.”

Kahit super sikat na ang AlDub loveteam ay hindi pa rin sila nawawalan ng bashers kaya ang tanong kung naapektuhan pa ba sila sa mga ito, “Well, sa akin ang lagi lang namang bina-bash sa akin ‘yung itsura ko, malaki ang bibig ko, malaki ang tiyan ko, na hindi ako makinis.

“Pero ‘yun, keri-keri lang ‘yun kasi Diyos ko, panlabas na itsura lang naman ‘yun.
Siguro ‘yung ano na lang, pag dinadamay ang family kasi wala naman silang kinalaman dito,” pahayag ni Maine. Diretsong tanong sa dalaga kung may relasyon na sila ni Alden dahil may mga couple’s ring at bracelet na sila, sagot ng dalaga, “Ay, hindi ko po isinusuot ‘yung bigay ni Alden, hindi ko po pinapakita.”

Ibinuking ni Alden na nawala raw ni Maine ‘yung bracelet niya na nakuha nila noong nag-birthday ang huli sa Boracay dahil kinain daw ng bibe sa isang park sa Italy. Seryosong sabi ni Alden, “Anything is possible naman. We’ll just go with the flow. If we’re bound to last 30, 50, 60 years, then it will happen.”

Sey naman ni Maine, “Ganu’n din po, lagi kong sinasabi, what’s meant to be will always find its way. Kung marami man po kaming pagdaanan ngayon, kung kami talaga, kami.” Samantala, hindi man diretsong inamin ni Maine, mukhang totoo ngang meron na siyang boyfriend dahil nu’ng tanungin siya kung in a relationship siya ngayon, hindi siya nakasagot nang diretso. Ang tanging nasabi niya ay, “Ahhh, tubig, tubig po (sabay taas ng baso)!”

Read more...