Kawal patay, 3 sugatan sa ambush

marawi city

Isang sundalo ang nasawi at tatlo pa ang nasugatan nang tambangan ng isang armadong grupo sa Marawi City, Lanao del Sur, Sabado, ayon sa militar.

Naganap ang insidente dakong alas-3:30 ng umaga sa Brgy. Buadi Sacayo, sabi ni Major Filemon Tan, tagapagsalita ng Armed Forces Western Mindanao Command.‎

Patungo ang mga miyembro ng Army 65th Infantry Battalion at 5th Mechanized Battalion sa headquarters ng 103rd Infantry Brigade lulan ng KM450 truck at isang armored vehicle nang tambangan, aniya.‎

Unang sumabog ang isang improvised bomb, at kasunod nito’y pinaputukan ng aabot sa 10 armado ang mga kawal, ani Tan.

Gumanti ng putok ang mga kawal at umabot sa 20 minuto ang sagupaan, kung saan isang sundalo ang nasawi at tatlo ang nasugatan, aniya.

Naglunsad na ng pursuit operation laban sa mga nanambang, ani Tan. (John Roson)

Read more...