Biktima ka rin ba ng telcos?

BILANG pasasalamat sa inyong walang sawang pagsubaybay sa BANDERABLOGS (labis ang aming kasiyahan dahil tila bahagi na ng inyong umaga ang dalawin at basahin kami at magpahayag ng inyong nais), ibig naman naming makapaglingkod sa inyo.
Meron bang mga pagkakataon, araw, o linggo na palpak at serbisyo ng inyong binabayarang load ng Smart, Globe at Sun?  Ganoon din kasi ang nangyayari sa amin.  Kami rin ay biktima, kaya maaaring iisa tayo ng kapalaran.
Pero, tatapusin na natin ang pagiging biktima, araw-araw o linggu-linggo.  Magrereklamo na tayo sa kanila at sa kinaukulan.
Ipadala agad sa amin ang inyong reklamo at kung paano kayo naging biktima (nagbayad na nga, nabiktima pa!).  NOW NA.

BANDERA, 102909

READ NEXT
O, Chiz ko!
Read more...