SPEAKING of ASAP, bibigyang-pugay ng longest-running weekend variety show ang Original Pinoy Music (OPM) sa pinakabagong segment nito ngayong Linggo live mula sa Resorts World Manila.
Balikan ang mga hindi malilimutang mga awitin ng mga kilalang mang-aawit at manunulat na naging kontribusyon nila sa OPM. Pangungunahan ang “ASAPinoy” ng dalawa sa pinakamahusay na mang-aawit sa bansa, sina Gary Valenciano at Martin Nievera, bilang Tribute Masters.
Siguradong buhay na buhay ang OPM sa “ASAPinoy” na magkakaroon ng iba’t ibang tema buwan-buwan. Ngayong Hulyo, magsisimula ang “ASAPinoy” sa “Maestro Series” kung saan bibigyang pugay sina Ryan Cayabyab, Louie Ocampo, Willy Cruz, at George Canseco. Sisimulan ni Gary V ang selebrasyon ngayong Linggo sa kanyang pangunguna sa tribute para kay Maestro Ryan Cayabyab.
Makakahilera ng “ASAPinoy” ang iba pang hit segments ng ASAP kabilang ang “ASAP Birit Queens” tampok sina Morissette Amon, Klarisse de Guzman, Jona Viray at Angeline Quinto at “ASAP Soul Sessions” tampok sina Kyla, KZ Tandingan, Jay R, Jason Dy, at Daryl Ong, at “ASAP LSS (Love Songs and Stories )” kasama si Jolina Magdangal.
Pakaabangan din ngayong linggo ang Kapamilya pasasalamat nina Melai Cantiveros at Pokwang ng We Will Survive, Dominic Ochoa at Marco Masa ng My Super D, at Maja Salvador ng FPJ’s Ang Probinsyano.
Hindi pa riyan nagtatapos ang mga sorpresa dahil makakasama rin sa linggo ang inaabangang Kapamilya loveteams na sina Elmo Magalona at Janella Salvador, Enrique Gil at Liza Soberano, at Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Huwag palalampasin ang ASAP ngayong Linggo, 12:15 p.m., sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).’