Magandang aktres nakarma, unti-unti nang nalalaos

 

RAMDAM na ramdam na para sa mas nakararami ang unti-unting pagiging La Ocean Deep (read: laos) ng isang magandang aktres. Hindi na siya gaanong pinag-uusapan ngayon nang dahil sa sarili niyang merito.

Mabanggit man ngayon ang kanyang pangalan sa mga pahayagan ay dahil na lang ‘yun sa pakikisawsaw niya sa mga isyung may kinalaman sa kanyang nakaraang pakikipagrelasyon. Wala na kasing mapag-uusapang iba tungkol sa kanya, wala siyang proyekto, ano’ng nangyari at nabantilawan siya sa network na kinabibilangan niya?

Para sa mga taong basta na lang niya tinuwaran nu’n kapalit ang ipinangakong stardom ng kasalukuyan niyang istasyon ay karma ang ibig sabihin ng pagkatengga niya ngayon sa trabaho. “Naalala n’yo pa ba ang ginawa niya nu’n? Kung anu-anong kadramahan pa ang ginawa niya, umalis pa siya ng bansa para kunwari, e, palawakin pa ang kaalaman niya sa kung anumang ikinakatwiran niya, pero ano ang totoo?

“Pinagplanuhan na pala nila ng manager niya ang paglundag sa kabilang bakuran, matagal na pala nilang naidrowing ang mga gagawin nila, kaya galit na galit sa kanila nu’n ang mga taong iniwan nila sa ere!” simulang kuwento ng aming source. Inakala ng girl na wala nang katapusan ang kanyang popularidad, lalo na nang magkatusak na ang kanyang mga TVC, yumaman talaga ang aktres.

“Pero nasaan na siya ngayon? Literal siyang naganga. Puro press release lang ang kampo niya na kiyemeng meron siyang gagawing malaking-malaking project sa network niya, pero nasaan na? Tengga pa rin siya, kaya para hindi naman siya mawala sa circulation, e, patol siya nang patol sa issue tungkol sa ex niya!

“Bradly Guevarra, bali na nga ba ang pakpak ng magandang aktres na itey? Nasaan na ang bato ng tagumpay?” pagtatapos ng aming impormante.

Read more...