Kris gustong asarin ang ABS-CBN kaya nag-guest sa showni Marian sa GMA

 

SURE kaming nagpapapansin na naman itong si Kris Aquino sa mga latest emote niya sa kanyang social media accounts.

Natuloy nga ang guesting nito sa morning show ni Marian Rivera sa GMA 7 bilang pagtupad sa matagal na raw nitong pangako sa kanyang inaanak. Pero para sa ilan, pang-inis daw yun ni Kris sa ABS-CBN dahil hindi nga nito naipanalo ang minanok nilang si Mar Roxas.

Anyway, sa dami nga ng mga paramdam ni Kris ng pagbabalik, dumarami din ang mabilis mag-react sa mga kuda niya kahit sabihin pa nga nating pinagtatawanan na lang at ayaw na itong seryosohin ng marami.

“Wala lang. Showbiz naman talaga siya since day one. Siya ang klase ng personalidad na hindi makukuntento ang buhay kapag walang intriga o kontrobersya about her,” hirit ng kausap namin.

 

Read more...