Text scam sa UMID cards

PINAG-IINGAT ng Social Security System (SSS) ang publiko lalo na ang mga miyembro nito na nag-aplay ng Unified Multipurpose Identification System (UMID) card.

Naglipana umano ang text scam tungkol sa pagproseso ng UMID cards.

Nakatanggap ang SSS ng ulat tungkol sa text messages na ipinapadala sa mga miyembro nito mula sa hindi kilalang numero na nag-aalok ng tulong upang mas mapabilis umano ang pagproseso ng kanilang UMID cards kapalit ng P100 o anumang halaga bilang kabayaran.

Paglilinaw ng SSS, walang rush application ng UMID cards at hindi din ito tumatanggap ng bayad sapagkat ang pagproseso ng aplikasyon ay first-in first-out basis.

Kaya, pinapayuhan ng SSS ang sinumang makatatanggap ng nasabing text messages na kaagad itong ireport sa pinakamalapit na SSS branch o itawag sa SSS hotline 920-6446 hanggang 55.
Sila rin ay hinihikayat na magsumite ng report sa kanilang service provider para matigil ang pagkalat ng text messages.
SSS MEDIA AFFAIRS DEPARTMENT
(02) 9206401 local 5050, 5052-55, 5058
7th floor SSS Building, East Avenue,
Diliman,
Quezon City

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...