Sulat mula kay Isang ng San Vicente, Liloan, Metro Cebu
Dear Sir Greenfield,
May tindahan po kami sa kasalukuyan, kaya lang unti-unti na po itong nalulugi dahil ang aming puhunan ay inuutang lang naming sa Bombay. Dati ay medyo malakas naman ang tindahan namin kaya lang simula ng mawalan ng trabaho ang mister ko naubos na ang laman dahil lahat kami ay sa tindahan na lang umaasa. Kaya sa ngayon ay parang gusto ko na itong isara. Ano ba ang dapat kong gawin, may pag-asa pa kayang lumakas ang aming tindahan o mas mabuting isara ko na at bumalik na lang uli ako sa pamamasukan bilang katulong? December 23, 1981 ang birthday ko.
Umaasa,
Isang Lilona, Metro Cebu
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Nakatutuwang makitang tuwid o Straight Line naman ang Head Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin basta’t ituloy mo lang ng ituloy ang pagtitinda, tiyak ang magaanap sa takdang panahong inilaan ng kapalaran muli mong mapapalakas ang tindahan, basta wag ka na lang uli mangungutang sa Bombay o sa five six o kaya’y iba pang utang na may malakig patubo. Dagdag dito, mas mabuti ring magdagdag ka pa ng ibang kalakal na may kaugnayan sa bigas at mga produktong butil.
Cartomancy:
Ten of Diamonds, Six of Diamonds at Queen of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa buwan ng Oktubre, isang kaibigang isihilang sa petsang 6 ang tutulong sa iyo at magpapautang ng puhunan, upang muli mong mapalakas ang inyong tindahan.
Itutuloy…
Uunlad pa ba ang naluluging tindahan?
READ NEXT
May kakampi na ang mga api
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...