Angel umamin, apektado pa rin kay Luis

angel locsin at luis manzano

HETO na bossing Ervin ang sagot ni Angel Locsin sa tsikang babalik na raw siya sa GMA 7.

Tinanong namin si Angel kung nag-renew na siya sa ABS-CBN ng kontrata dahil hindi kasi ito nabalita tulad sa ibang prime artists ng network na may media coverage pa. Sagot ni Angel, “Hi ate, yup-yup, 2 years (kontrata) ‘yung pinirmahan ko.”

Tanong namin kung kailan siya pumirma dahil hindi nga nabalita at ano ang projects na naka-line up ngayon para sa kanya. “Late last year (pumirma) po, hindi pa po ako puwedeng magserye kasi po nagpapagaling pa po ako,” sagot ng dalaga.

May gagawin ding pelikula si Angel sa Star Cinema pero hindi pa niya alam ang titulo at wala pa ring direktor dahil pinag-uusapan pa nga lang ito. Napanood namin ang panayam ni Marie Lozano ng TV Patrol kay Angel tungkol sa tsikang may relasyon ang ex-boyfriend niyang si Luis Manzano kay Jessy Mendiola at mapakla ang ngiti ng dalaga.

Hiningan ng komento si Angel tungkol sa dalawa, “Kung sila nga hindi nagre-react, anong ire-react ko?” hirit ng dalaga. Aminadong nasa healing process si Angel sa paghihiwalay nila ni Luis at hindi naman daw ganu’n kadaling mawala ang nararamdaman niya at aminadong naaapektuhan pa rin siya kapag may nababalitaan siya sa aktor.

Sabi ng aktres sa tanong kung naka-move on na siya, “getting there.” Pero tila hindi in-good terms sina Angel at Luis, “Ngayon, honestly hindi ko alam, ako naman kasi, I always want him to be happy, so kung happy siya, magiging happy na rin ako para sa kanya.”

Halatang nanginginig ang boses ng dalaga nu’ng mag-react siya tungkol kay Luis, hindi talaga magaling magtago ng nararamdaman niya ang aktres. “Ganu’n naman ako, hindi ko kayang magtago, sinasabi ko talaga ang nararamdaman ko,” pag-amin ni Angel.

Read more...